SANA by SHAMROCK
Langit na muli sa isang daling makita ang kislap ng yong ngiti.
May pag-asa kaya kung aking sasabihin ang laman ng damdamin.
Pinipilit man pigilin na ika’y aking isipin wala na yatang magagawa.
Sana’y hindi ipagkait sa’kin ang sandali na masilayan ka at marinig man lang ang tinig.
Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka, laging wagas ang aking pagtingin at aking pagsinta.
Pinapangarap ka, tinatanaw sa ulap ang iyong mga mata.
Dinarasal kita, hinihiling na sana ay lagi kang masaya.
Pinipilit man pigilin na ika’y aking ibigin wala na yatang magagawa.
Sana’y hindi ipagkait sa’kin ang sandali na masilayan ka at marinig man lang ang tinig.
Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka, laging wagas ang aking pagtingin at aking pagsinta.
Pinipilit man pigilin na ika’y aking ibigin wala na yatang magagawa. Sana’y hindi ipagkait sa’kin ang sandali na masilayan ka at marinig man lang ang tinig. Laging bukas ang puso ko upang ibigin ka, laging wagas ang aking pagtingin at aking pagsinta.












Recent Comments